News Releases

English | Tagalog

Janine at Zanjoe, kasal na!

June 15, 2023 AT 08:43 AM

Secret wedding of Janine and Zanjoe shocks viewers in "Dirty Linen"

Will Mila be successful in exposing the crimes of the Fiero family?

Janine, ilalabas na ang mga baho ng mga Fiero sa tulong ni JC

Isa na ring Fiero si Mila (Janine Gutierrez) pagkatapos niyang magpakasal kay Aidan (Zanjoe Marudo) sa isang simpleng civil wedding sa “Dirty Linen,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Sikretong nagpakasal sina Mila at Aidan dahil hanggang ngayon ay kontra pa rin ang pamilya Fiero sa relasyon ng dalawa, kahit wala pa rin silang kaalam-alam sa planong paghihiganti ni Mila.

Ngayon na opisyal nang parte ng pamilya si Mila, mas madali na niyang maisasakatuparan ang paghihiganti niya laban sa mga Fiero. Subalit, hindi pwedeng magpadalos-dalos si Mila sa kanyang mga plano lalo na’t gigil na gigil siya ngayon. Nalaman kasi ng kanyang mga kasabwat na sinunog ng mga Fiero ang buto ng mga katawan ng kanilang mga mahal sa buhay. 

Sasagarin na rin ni Mila ang paniningil niya ng hustisya dahil may hawak siyang malakas na ebidensya na magdidiin sa mga krimen ng pamilya Fiero sa tulong ni Police Inspector Lemuel Onore (JC Santos). 

Magtatagumpay na kaya si Mila at maibubulgar ang lahat ng mga krimen ng pamilya Fiero?

Noong Mayo, gumawa ng panibagong online record ang “Dirty Linen” na nakakuha ng 149,410 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Nakapagtala rin ito ng pinagsama-samang higit isang bilyong online views sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram, Twitter, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE