Harapang psychic reading tampok ang mga bisitang artista at personalidad
Susubukang alamin ng paranormal expert na si Stargazer ang kakaibang nakaraan at hinaharap ng ilang artista at kilalang personalidad sa bagong talk show ng FYE Channel na “Touch and Tell” na mapapanood na sa YouTube tuwing Sabado, 7pm simula Agosto 12.
“It’s about touching a person and telling what I feel about them,” sabi ni Stargazer na magsasagawa rin ng aura reading at magbibigay direksyon sa mga bisita na game haharap sa makabuluhang usapan.
Itatampok din sa online show ang mga sorpresang rebelasyon at espesyal na mensahe upang makatulong magbigay pang-unawa at excitement sa mga manonood.
Ilan sa makakausap ni Stargazer sa “Touch and Tell” ang aktres na si Pokwang, singer na si Janine Desiderio, at host na si Nicki Morena.
Makikipag-kwentuhan din kay Stargazer ang events director na si Frank Mamaril, actor-poet na si Juan Miguel Severo, entrepreneur na si Dr. Carl Balita, at iba pa para sa pagbabalik-tanaw sa kanilang nakaraan at pasilip sa kanilang kinabukasan.
Abangan ang unang episode ng “Touch and Tell with Stargazer” ngayong Sabado (Agosto 12), 7pm sa
FYE YouTube channel. Patuloy ring samahan at kumunsulta kay Stargazer sa kanyang “Pinoy Vibes” show sa FYE Channel sa kumu tuwing Linggo, 8pm. Panoorin ang kanyang “Pinoy Paranormal Mysteries” program sa FYE YouTube channel at abangan ito sa Jeepney TV tuwing Sabado simula Agosto 12, 10:45pm.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang FYE Channel sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.