Maki-throwback tayo sa paborito nating ASAP performances, tulad ng mga pasabog nina Josh Cullen, Kyle Echarri, Sarah G, at marami pang iba ngayong Linggo (Agosto 27) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan natin ang solo act ng SB19 heartthrob na si Josh Cullen, na susundan naman ng "Hangganan" performance ni Popstar Royalty Sarah Geronimo kasama si Jin Chan sa "Sarah G Specials." Hindi rin pahuhuli ang bigay-todong pasabog ni Kyle Echarri sa ASAP stage.
Maki-party muli sa bigating pop hits mashup kantahan at sayawan nina Maymay Entrata, Seth Fedelin, Edward Barber, Joao Constancia, Krystal Brimner, Karina Bautista, Nyoy Volante, at Vina Morales kasama ang "Tawag ng Tanghalan" biriteras na sina Jezza Quiogue at Nowi Alpuerto, "It's Showtime's" Hashtags at Baby Dolls, pati P-Pop acts na BINI at Calista, at ang buong ASAP family with Robi Domingo and Martin Nievera.
Damang-dama ang DonBelle fever sa paghataw ni Belle Mariano kasama sina AC Bonifacio at Maris Racal, pati ang heartthrob treat ni Donny Pangilinan.
Balikan din natin ang total collab nina Darren at ASAP dance royalty Kim Chiu, at ang biritan nina Janella Salvador at Asia's Songbird Regine Velasquez.
Tuloy-tuloy ang best-of-the-best party sa Lady Gaga medley tapatan nina Angeline Quinto, Jed Madela, Jason Dy, Sheryn Regis, Katrina Velarde, Frenchie Dy, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Lara Maigue, Fana, at Khimo Gumatay.
At makihugot sa heartbreak hits kantahan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Darren, Ogie Alcasid, and Regine sa "The Greatest Showdown."
Huwag palampasin ang best-of-the-best party na ito mula sa mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
At para naman sa mga Kapamilya natin sa Italy, dadayo ang "ASAP Natin 'To" sa Milan ngayong Setyembre 10 (Linggo) sa Mediolanum Forum. Para sa tickets, bisitahin ang https://bit.ly/ASAPinMilanTickets.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.