News Releases

English | Tagalog

Andrea, Kyle, Juan Karlos, Elijah, Zaijian, Xyriel may dalang aral sa "Senior High"

August 28, 2023 AT 12:39 PM

Young stars shed light on mental health, important issues in "Senior High"

Did Luna really commit suicide? What are the secrets of the students?

Mapapanood na simula Agosto 28 ng 9:30 PM

Mahahalagang aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High.” Mapapanood na ito simula Lunes (Agosto 28) ng 9:30 PM. 

Isa itong mystery-thriller series kung saan bibigyang diin ang ilang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon tulad ng suicide, mental health, bullying, at peer pressure lalong-lalo na sa eskwelahan. 

 

“We tackle sensitive topics. I really don’t wanna romanticize drugs, mental health, etc. I want to make this different and magkaroon talaga ng impact and makatulong talaga kami sa ibang tao na we need to take responsibility for our own life,” sabi ni Andrea sa isang interview kamakailan. 

Magsisimula ang kwento ng “Senior High” sa kambal na sina Luna at Sky (Andrea). Ibang-iba ang kanilang personalidad dahil si Luna ay matalino at pabibo, habang si Sky naman ay may hinanakit sa kanilang nanay na si Tanya (Angel Aquino) dahil ang lola niya ang nagpalaki sa kanya ng mag-isa. 

Mag-iiba ang buhay ni Sky nang mag-enroll din siya sa eskwelahan nina Luna, ang prestihiyosong Northford High. Dito niya makikilala ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante at isa na rito ang grupo ng mga mayamang bully na magkapatid na sina Archie (Elijah) at Z (Daniela Stranner), ang boyfriend ni Z na si Gino (Juan Karlos), at isa pa nilang kaibigang si Poch (Miggy Jimenez). 

Sa kabilang banda naman ay ang tila mababait na mga estudyante pero may kanya-kanyang lihim din pala na itinatago. Nariyan ang misteryosong si Obet (Kyle) at ang mag-jowang sina Tim (Zaijian) at Roxy (Xyriel). 

Mayayanig ang kanilang mundo nang ma-dead on the spot si Luna matapos mahulog sa isang balcony. Ipapalabas nilang suicide ang nangyari, pero malakas ang kutob ni Sky na may tumulak sa kanyang kapatid kaya gagawin niya ang lahat para lumabas ang katotohanan. 

Suicide ba talaga ang nangyari kay Luna? Ano-ano ang mga kababalaghan at sikreto ng mga estudyante?

Ang “Senior High” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, ang mga direktor ng patok na revenge series na “Dirty Linen.” Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena. Mapapanood na ang “Senior High” simula Agosto 28, Lunes hanggang Biyernes, ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.