Mga content ng Kapamilya entertainment, tumabo ng bilyong views sa unang bahagi ng 2023
Patuloy pa rin ang pagbibigay saya ng ABS-CBN, ang nangungunang content provider ng bansa, nang tanghalin ito bilang most viewed na TikTok entertainment account sa Southeast Asia para sa unang kalahati ng 2023.
Ayon sa data mula sa TikToktainment, nakakuha ang opisyal na TikTok account ng ABS-CBN (@abscbn) ng 2,850,148,520 views, na may average na 898,817 na views sa bawat video.
Kabilang ang mga clip mula sa sikat na Kapamilya revenge drama series na “Dirty Linen" sa most viewed videos ng @abscbn sa TikTok. Maraming manonood ang naakit sa serye simula pa noong premiere dahil sa storyline at powerhouse cast nito. Nakapagtala ang serye ng mahigit 2.3 bilyong views sa TikTok.
Dagdag pa rito, malaki rin ang naiambag sa views ng ABS-CBN, na kasalukuyang may 5.3 milyong followers at 274.7 milyong likes, ang mga highlight mula sa iba pang palabas tulad ng “It’s Showtime” at “FPJ’s Batang Quiapo."
Samantala, overall top performer naman ang ABS-CBN PR account na @abscbnpr, na nakapagtala ng 81.9 milyong views, simula Abril hanggang Hunyo, habang nangunang account naman ito noong Mayo at unang bahagi ng Agosto sa entertainment info category.
Layunin ng ABS-CBN na ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga manonood sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga nakakaaliw at nakaka-inspire na kwento. Patuloy din ito sa pagpapalakas ng online presence at pagpapalago bilang digital na kumpanya.
Para sa iba pang balita, sundan ang @abscbnpr sa TikTok, Facebook, X (dating Twitter), Instagram, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.