Mga Pinoy abroad, ma-eenjoy ang ABS-CBN shows nang live at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel
Sama-sama na ang panonood ng mga paboritong programa ng ABS-CBN saan man sa mundo dahil bukod sa Asya, available na rin ang Kapamilya Online Live nang live at on-demand sa Europe, Australia, at New Zealand sa YouTube.
Sabay na ang livestreaming ng Pilipinas sa mga nasabing lugar kung saan hindi na mahuhuli ang mga Kapamilya abroad sa panonood ng latest episodes ng iba’t ibang ABS-CBN shows. Una nang naging available ang Kapamilya Online Live sa Hong Kong, Japan, Singapore, at iba pang bahagi sa Asya nitong unang bahagi ng taon.
Ilan sa mga pwedeng subaybayan ng mga Pinoy sa YouTube ang Kapamilya primetime shows na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, “The Iron Heart” ni Richard Gutierrez, at “Senior High” ni Andrea Brillantes. Kabilang din ang mga pang-hapong serye na gigising sa damdamin ng mga manonood na “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-Aapoy Na Damdamin.”
Ma-eenjoy din ng buong pamilya sa loob at labas ng bansa ang walang humpay na good vibes sa “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To,” at pwede rin maging laging updated sa pinakamainit na news updates sa pagtutok sa mga programa ng ABS-CBN News tulad ng “TV Patrol” at “The World Tonight.”
Ang patuloy na paglawak ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang numero unong YouTube channel sa media and entertainment category sa Southeast Asia na may 45 milyong subscribers, ay bahagi ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Pilipino kahit nasa labas pa sila ng bansa.
Hindi na rin kailangan maging homesick dahil available rin sa Kapamilya Online Live ang ilan sa mga pinakaminahal at tumatak na Kapamilya teleserye tulad ng “Dolce Amore,” “Be My Lady,” “Los Bastardos,” at “Be Careful with My Heart.”
Sa Kapamilya Online Live, maaaring ulit-ulitin ang pinakabagong episodes ng mga kasalukuyang umeereng programa sa loob ng 14 na araw at pwede rin makipagkwentuhan ang netizens sa mga kapwa Pinoy gamit ang live chat section.
Tumutok sa Kapamilya Online Live sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.