ABS-CBN and GMA executives surprised the viewers with their visit to "It's Showtime."
What’s up Madlang People at Madlang Kapuso!
Nag-uumapaw sa kasiyahan at positive vibes ang “It’s Showtime” dahil sa sorpresang pagbisita ng ABS-CBN at GMA executives noong Huwebes (Setyembre 29).
Nakasama ng “It’s Showtime” hosts sina ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes at GMA senior vice president for programming, talent management, worldwide, and support group Annette Gozon-Valdez sa pagbati sa audience at manonood.
Hindi rin nila pinalampas ang pagkakataon na isigaw ang linyang, “What’s up Madlang people” at “What’s up Madlang Kapuso.”
Kasama rin nina Cory at Annette sina ABS-CBN head of non-scripted formats TV production Lui Andrada, Sparkle GMA Artist Center vice president Joy Marcelo, Sparkle senior talent manager Tracy Garcia, Janna Revilla, at Carmina Cruz.
Noong Hulyo, naging makasaysayan ang pagbubukas ng “It’s Showtime” sa GTV kasunod ng partnership ng ABS-CBN at GMA para sa pag-ere nito. Dagdag pa rito, naging sunod-sunod din ang paglabas ng iba’t ibang Kapuso stars sa Kapamilya noontime show.
Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o
iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa GTV tuwing Martes, Miyerkules, at Biyernes, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" tuwing 11:45 AM sa YouTube channel ng "It's Showtime."