News Releases

English | Tagalog

Francine at Seth buwis-buhay sa "Fractured"

September 07, 2023 AT 10:26 AM

Francine and Seth's dream vacation gone wrong in "Fractured"

Who is the killer? Will their nightmare of a vacation help mend their fractured souls?

Mapapanood sa iWantTFC at YouTube simula Setyembre 15

Pagkatapos ng tagumpay ng serye nilang “Dirty Linen,” isa na namang pasabog na kwentong nababalot ng misteryo ang pagbibidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin sa “Fractured,” ang pinakabagong iWantTFC original series.

Isa itong mystery-thriller series kung saan tampok din sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Raven Rigor, at Sean Tristan at mapapanood na ito nang libre simula Setyembre 15 (Biyernes) sa iWantTFC app o website at sa YouTube channel ng iWantTFC. May bagong episode na ipapalabas kada Biyernes ng 8 PM. 

Iikot ang kwento ng “Fractured” sa pitong social media influencers na inimbitahan sa isang mala-paradise na island resort na Bella Vista. Sa kabila ng kanilang online fame, meron din silang mga itinatagong bubog dahil sa kani-kanilang mga masasakit at nakakaawang nakaraan.

Habang nagbabakasyon sila sa resort, gagamitin din nila ito bilang pagkakataon na gumawa ng online content para maging viral at trending. Sa pagsasama-sama nila, may posibilidad din na magkaroon ng mga isyu dahil sa pag-ibig. 

Mayayanig ang kanilang masayang bakasyon nang patayin ang isa sa mga kasama nilang influencer. Dahil sa sunod-sunod na trahedya, mapipilitan silang magtulungan para lamang mabuhay, kahit wala silang ideya kung sino sa grupo ang nagpapanggap lang at totoong mamamatay-tao pala. 

Sino nga sa kanila ang mamamatay-tao? Ang bakasyon ba ito ang magiging daan para harapin nila ang kanilang mga isyu sa buhay?

Mapapanood din sa “Fractured” sina Jennica Garcia, Mylene Dizon, Kim Rodriguez, KaladKaren, Majoy Apostol, at Vaughn Piczon, sa ilalim ng direksyon ni Thop Nazareno.

Panoorin nang libre ang “Fractured” simula Setyembre 15 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website, at sa YouTube channel ng iWantTFC. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com