News Releases

English | Tagalog

Lovi nagpaalam na sa "FPJ's Batang Quiapo"

January 05, 2024 AT 05:51 PM

Taos-pusong nagpapasalamat kay Coco…

Taos-pusong nagpapasalamat si Lovi Poe kay Coco Martin at sa “FPJ’s Batang Quiapo” matapos maging emosyonal ang mga manonood sa pamamaalam ng kanyang karakter na si Mokang sa Kapamilya teleserye.

Sa isang video na inilabas ng ABS-CBN Entertainment, ibinahagi ni Lovi na masaya siyang naging parte ng “Batang Quiapo” family at natutuwa siya na ipinagpapatuloy ni Coco ang legacy ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr. 

“It’s the first time na nakasama ako sa isang proyekto that represents my dad. Being part of this meant the world to me. Papa, I also pray that you guide and bestow Coco your powers. He has it all now and I know papa your legacy is in great hands,” sabi niya. 

Labis din ang pasasalamat ni Lovi kay Coco kung saan minahal ng maraming manonood ang relasyon ng kanilang mga karakter na sina Mokang at Tanggol. 

“Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Naging isa ko siyang mabuting kaibigan, ang dami-dami kong natutunan sa kanya. Talagang bilib ako sa kanya in every aspect. I’m very grateful to have been part of his journey,” saad niya. 

Pinangunahan ni Coco ang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo,” kasama sina Ivana Alawi, Christopher de Leon, at Irma Adlawan, pati na rin ang isa sa mga direktor ng serye na si Darnel Villaflor, ang pasasalamat nila kay Lovi sa pagbibigay-buhay niya kay Mokang. 

“Natutuwa ako sa kanya kasi sobra siyang game sa mga eksena. Walang kaarte-arte sa kung ano ang ipapagawa mo sa kanya. Napaka-down to earth niya,” sabi ni Coco tungkol kay Lovi sa isang interview. 

Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan nang magpapaalam si Tanggol (Coco) kay Mokang (Lovi) matapos itong mabaril ni Olga (Irma) nang isakripisyo ni Mokang ang sarili niyang buhay para iligtas si Tanggol. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.