Bilang pagbibigay-importansya sa physical fitness at pagpapahalaga sa kultura ng mga larong Pinoy sa kabataan, inilunsad ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) katuwang ang Breeze Philippines ang collaborative project nitong EcoPlay nitong Oktubre 7 (Lunes) sa Marikina Elementary School.
Layunin ng EcoPlay na magsagawa ng mga Pinoy game activities sa mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang 6 at palaganapin ang halaga ng sportsmanship values, fitness, at character building ng mga kabataan—alinsunod sa kanilang physical education (PE) curriculum.
Katuwang ng programa ang 68 na paaralan sa Marikina City, Quezon City, Taguig City, at Pateros.
Ito ang panibagong collaborative effort ng Knowledge Channel Foundation at Breeze magmula noong unang inilunsad ang EcoProject na layong magturo ng aral patungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan.
Ikinatuwa ng KCFI president at executive director na si Rina Lopez ang pakikipag-ugnayan nilang muli sa Breeze para sa kanilang adhikain sa kabataang Pinoy. Aniya, importante rin para sa mga estudyante na matutunan ang kahalagahan ng Pinoy sportsmanship values sa kanilang holistic development.
"Today, we are proud to launch EcoPlay in our 4th year of partnership with Breeze, a partnership that continues to grow stronger with every new initiative" saad ni Rina Lopez, President at Executive Director ng Knowledge Channel Foundation. "We at the Knowledge Channel Foundation have always believed that learning should be holistic... seamlessly integrated to the P.E. curriculum, playing traditional Filipino encourage physical fitness and fosters essential life skills like perseverance, teamwork, and respect that our students will carry with them beyond the classroom."
"Marami kaming inihanda para sa EcoPlay kasama ang Knowledge Channel Foundation! Naniniwala kami na ang mga kabataan natin ay changemakers, at dapat holistic ang kanilang development” saad ni Lara Santos, Premium Laundry Performance Mananger ng Breeze. “Kaya nag-shift kami mula EcoProject papuntang EcoPlay dahil gusto ng Breeze na bumuo ng henerasyon na matatag, empowered, at motivated na magdala ng pagbabago hindi lang sa kalikasan kundi pati na rin sa lahat ng aspeto ng buhay."
Kasabay nito, magbibigay rin ng video lessons at play kits ang Knowledge Channel sa mga partner school nito para sa karagdagang kaalaman patungkol sa Pinoy sportsmanship values at fitness, pati magabayan sila sa kanilang mga EcoPlay activity.
Magsasagawa rin sila ng mini-Olympics kung saan ang iba’t ibang mag-aaral sa mga participating school ay magpapakitang-gilas ng kanilang mga abilidad. Ang mga magwawaging paaralan ay mag-uuwi ng Knowledge Channel TV package.
Maliban pa rito, patuloy pa rin ang Knowledge Channel Foundation at Breeze sa pagtuturo ng pangangalaga sa kalikasan sa mga Kabataan sa isasagawa nitong Eco Gardens project para sa mga Grade 3 student.
Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong
www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.
Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.