Back-to-back na pasabog ang dapat abangan ng manonood sa most watched series ng Netflix Philippines at iWantTFC na “Lavender Fields” dahil malapit nang malaman ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) ang katotohanan sa pagkawala ng anak habang patuloy na patutunayan ni Tyrone (Jericho Rosales) ang katapatan niya kina Iris (Janine Gutierrez) matapos niya itong lokohin.
Hindi na nga mapipigilan pa si Jasmin na alamin kay Lance ang tunay na dahilan sa pagkawala ng anak kahit pa nabaril siya sa pagtangkang pagsagip sa buhay nito. Kahit delikado, uunahan niya sina Vitto sa kinaroroonang ospital nito para mapa-amin si Lance kung paano napunta si Camila sa kanila.
Samantala sa pagbabalik ni Tyrone sa buhay ni Iris, agad naman na sinubok ni Vitto ang kanyang katapatan nang inutusan siya nitong barilin ang kaibigan si Lance.
Mukhang hindi pa rito matatapos ang pagsubok na kanyang pagdadaanan para pagbayaran ang nagawang kasalanan lalo pa at wala pa rin tiwala sa kanya si Vitto habang tingin naman ni Iris na makakatulong lang siya sa paghahanap nila kay Jasmin.
Alamin kung ano ang malalaman ni Jasmin kay Lance. Ano naman kaya ang gagawin ni Lily (Jolina) kapag nalaman niya ang sinapit ng asawa sa plano nitong pagkalas kina Vitto? Samantala, abangan din kung ano kaya ang tunay na motibo ni Tyrone sa kanyang pagbabalik.
Abangan ang mga pasabog na eksena sa “Lavender Fields” tuwing weeknights simula 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.