It’s a family reunion with Star Magic artists this yuletide season!
Panoorin ang livestream tampok ang Star Magic artists ngayong Nobyembre 24
Isang gabing puno ng saya ngayong Pasko ang handog ng “Star Magical Christmas 2024” sa muling pagtitipon-tipon ng Kapamilya stars ngayong Nobyembre 24 (Linggo).
Imbitado ang lahat ng fans sa selebrasyon dahil mapapanood nila ang pagrampa ng mga artista sa white carpet suot ang kanilang cute Christmas outfits, pati na rin ang main program sa pamamagitan ng livestream na available worldwide sa Star Magic YouTube channel simula 6 PM (Manila time).
Magpapasalamat at magbibigay ng good vibes tampok ang love teams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Francine Diaz at Seth Fedelin, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, at Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo, kasama sina Joshua Garcia, Gerald Anderson, Jake Cuenca, “PBB Gen 11” housemates, OPM groups na BINI at BGYO, at marami pang iba.
Bibigyang-pugay din ng Star Magic ang kanilang artists sa pamamagitan ng special at loyalty awards upang pasalamatan sila sa ilang taon nilang pagiging bahagi ng Star Magic family.
Inaabangan din kung sino ang magwawagi bilang “Star Magic Artist of the Year 2024” kung saan pwedeng bumoto ang fans para sa BINI, MaThon (Maris Racal at Anthony Jennings), cast ng “Zoomers,” at “PBB Gen 11” Big 4 (Fyang, Rain, Kolette, at Kai), at para kina Melai Cantiveros-Francisco at Maymay Entrata. Bukas ang botohan sa KTX.ph hanggang Nobyembre 24 at ang nalikom dito ay mapupunta sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.
Tuloy-tuloy naman ang Pamaskong handog sa “Share the Magic” campaign kung saan sinimulan na nina Dimples Romana at ang cast ng “Taympers” musical ang pagbibigay saya kasama ang mga street children ng isang NGO at temporary shelter. Abangan ang iba pang “Share the Magic” videos sa Star Magic YouTube channel.
Ipagdiwang ang Christmas spirit sa panonood ng livestream ng “Star Magical Christmas 2024” ngayong Nobyembre 24 sa Star Magic YouTube channel.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.