News Releases

English | Tagalog

Dating “Kalokalike” winner Nicki Morena, ibabahagi ang winning moment sa pag-ibig sa “Tao Po”

November 22, 2024 AT 12:48 PM

Former “Kalokalike” winner Nicki Morena reveals her married-life plans on “Tao Po”

Jeck Batallones joins “Showtime Online U” host Nicki Morena as she shares her wonderful love story found in a dating app during the COVID-19 pandemic

Tampok din ang kwento ng isang bookworm na may public library at mag-sasakang nakapagtapos ng siyam na anak

Ibibida ni “Showtime Online U” host Nicki Morena kay Jeck Batallones ang kanyang matagumpay na long-distance relationship sa kanyang non-showbiz Greek husband na si Angelos Mavropoulos ngayong Linggo (November 24) sa “Tao Po.”

Unang nakilala si Nicki, o Jennifer Catayong sa totoong buhay, noong 2013 nang sumabak siya bilang look-alike ng international rap star na si Nicki Minaj sa ikalawang edisyon ng “Kalokalike” segment ng “It’s Showtime” kung saan siya ang itinanghal na grand winner.

Bukod sa pagbabalik-tanaw sa kanyang “Kalokalike” days, ibabahagi rin niya ang kanyang makulay na buhay pag-ibig na kanyang natagpuan abroad sa isang dating app. Nahirapan man sa kanilang long-distance relationship set up noong pandemic, masayang ibinahagi ng dating “Kalokalike” winner ang plano nila ni Angelos na muling magpakasal at magsimula ng pamilya sa Greece matapos unang ikasal nitong July 2024.

Samantala, samahan si Bernadette Sembrano na alamin ang buong kwento sa ginawang public library ni Hernando "Nanie" Guanlao sa harap ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan ang tahanan, nag-uumapaw naman ang layunin ni Mang Nanie na makatulong sa kabataan na mahalin ang pagbabasa.

Aalamin naman ni Kabayan Noli de Castro kung paano napagtapos ng mag-asawang magsasaka ang kanilang siyam na anak sa kolehiyo sa kabila ng kahirapan. Ngayon ay professionals na ang mga ito at nagtatrabaho sa iba't ibang pribado at pampublikong sektor

Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:30 p.m. Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.