Karen and Migs shine the spotlight on two entrepreneurs who began their businesses for their children and family in the new episode of “My Puhunan: Kaya Mo!” airing this Saturday (March 16).
Mga kwento na puno ng inspirasyon ng mga babae, bida ngayong Sabado
Dalawang babaeng mapupulutan ng inspirasyon ang ibibida nina Karen at Migs sa bagong episode ng "My Puhunan: Kaya Mo!" ngayong Sabado (Marso 16).
Pupuntahan ni Migs ang patok sa netizens na Elcep’s Budbod, na pagmamay-ari ng sikat na komedyanteng si Mosang. Ang kanyang responsibilidad bilang isang single-mom, ang nagtulak sa kanya na pagsabayin ang pag-aartista at pagnenegosyo.
“Nanay ko, itinuro niya sa akin na walang lugi sa pagkain,” kwento niya kay Migs.
Samantala, nakilala naman ni Karen si Joy Rapsing ng Sassy Creations PH na may upcycling fashion business. Isa ang negosyo ni Joy na napilitang magsara dahil sa pandemya noon, kaya naman nang muling makabangon, hindi na pinalampas ni Joy ang pangalawang pagkakataon na tumulong din sa kapwa sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga babaeng bilanggo ng Antipolo Female Dorm sa paggawa ng kanyang mga produkto.
Huwag palampasin ang mga kwento ng tagumpay sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Sabado ng 5:00 ng hapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z,
news.abs-cbn.com/live, at iba pang online na plataporma ng ABS-CBN News.