News Releases

English | Tagalog

“Idol TikToker” Romeo Catacutan, ipinasilip kay Bernadette ang kanyang koleksyon ng mga santo sa “Tao Po”

March 21, 2024 AT 01:44 PM

“Idol TikToker” Romeo Catacutan shows Bernadette his collection of saints in “Tao Po”

Romeo and his wife, Lota, share with Bernadette the hardships they faced that helped strengthened their faith in God

Katrina Domingo, nakilala ang real-life Cinderella ballerina na estudyante ni Liza Macuja-Elizalde

Isang Linggo na puno ng inspirasyon ang hatid ni Bernadette Sembrano sa mga manonood ngayong panahon ng Kuwaresma dahil bibisitahin niya si “Idol Tiktoker” Romeo Catacutan sa Pampanga, kung saan niya matutuklasan ang matibay nitong pananampalataya sa Diyos at ang koleksyon niya ng mga santo sa “Tao Po” ngayong Linggo (Mar 24).

Kwento ni Romeo, maraming pagsubok siyang pinagdaanan kasama ang asawang si Lota, ngunit nalagpasan nila ito dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Patunay din daw ang koleksyon ni Romeo ng mga santo sa kanilang home chapel sa kanyang pangako na ipahiram ang mga ito tuwing prusisyon tuwing Semana Santa.

Ngayong Linggo, ipakikilala rin ni Katrina Domingo ang tinaguriang real-life Cinderella ng Ballet Manila na si Jessa Balote. Mula sa pangangalakal ng basura ng kanyang pamilya, naging ballerina si Jesse at naging mentor pa niya ang Prima Ballerina na si Liza Macuja-Elizalde. Ani Jesse, susi ang kanyang sipag at dedikasyon sa paginhawa ng kanyang buhay.

Samantala, itatampok naman ni Kabayan Noli de Castro ang nakakaantig na buhay ni Mang Menandro ‘Nanding’ Leonardo na may cerebral palsy. Sa kabila ng kanyang kalagayan, patuloy siyang naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya sa loob ng mahigit na dalawang dekada bilang isang mangangalakal ng basura sa isang barangay sa Las Piñas.

Abangan ang mga nakakataba ng puso na mga kwento ngayong Linggo sa “Tao Po” ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.   

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE