Todo sa pagpapalaganap ng OPM sa bagong henerasyon ang Kapamilya artists na bahagi ng StarPop Campus Tour na kamakailan ay nagpasaya sa ilang unibersidad sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Naghatid ng makukulay na kwento gamit ang musika ang ABS-CBN Music artists na sina Alexa Ilacad, KD Estrada, Jason Dy, Jeremy G, Angela Ken, FANA, Kice, at Jem Macatuno sa Arellano University sa Maynila noong Abril 11.
May layunin ang nasabing campus tour na ipakilala ang new gen ng mga mang-aawit sa iba’t ibang bahagi ng bansa at higit ilapit ang mga kabataan sa OPM.
Sabi ni StarPop label head Roque “Rox” Santos sa naging panayam niya sa ABS-CBN News, “We’re discovering a new breed of artists and singer-songwriters. Pareho silang ng experiences, ng nararamdaman with today’s generation. Ito yung mga artists na pwedeng kumonek sa Gen Z.”
Samantala, kasama naman sa Saint Louis University sa Baguio noong Marso ang mga rising talent na sina Anji Salvacion, Maki, Gello Marquez, Trisha Denise, Nameless Kids at pati na rin sina Angela, Jem, at Kio na pinaibig ang mga mag-aaral sa kanilang mga orihinal na awitin at natatanging talento.
Nakatakda namang magpasaya sina Alexa, Angela, FANA, Gello, Jem, Jeremy, KD, at Marlo Mortel sa University of the East-Caloocan ngayong Biyernes (Abril 19).
Noong nakaraang taon, naghatid din ng musika ang StarPop Campus Tour sa Capitol University at PHINMA-Cagayan de Oro College sa CDO, La Consolacion College sa Bacolod, at Adamson University at Far Eastern University sa Maynila. Abangan ang susunod na pagbisita ng campus tour na handog ng StarPop at ABS-CBN Events. Para sa karagdagang detalye, sundan ang StarPop sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.