News Releases

English | Tagalog

Iba't ibang libreng serbisyo, natanggap ng mga Pinoy na dumalo sa summer fair ng ABS-CBN News

May 17, 2024 AT 01:23 PM

ABS-CBN News' summer fair brings health, gov't services to Filipinos

On a hot summer day, the serene atmosphere of the Quezon City Memorial Circle transformed into a bustling one-stop shop as people flocked to the park to avail of free services from ABS-CBN News’ Grand Kapamilya Summer Fair.

Kapamilya stars, nagpasaya sa QC Circle
 

Sa kabila ng matinding init, dumagsa pa rin ang mga Pilipino sa Quezon City Memorial Circle para mapakinabangan ang iba’t ibang serbisyo publiko na handog ng Grand Kapamilya Summer Fair ng ABS-CBN News.

Mahigit 1,000 katao ang naging bagong registered voters dahil sa paglahok ng Comelec (Commission on Elections) sa Grand Kapamilya Summer Fair. Nakinabang din ang ibang mga Pilipino sa booths ng PhilHealth at SSS, kung saan natugunan ang ilan nilang mga katanungan tungkol sa kanilang membership status at personal data.

Maraminrin ang nakatanggap ng libreng serbisyong medical at dental sa tulong ng Philippine College of Surgeons (PCS).

Bukod dito, itinampok din sa Summer Fair ang livelihood seminars, Zumba sessions, at libreng pagkain at face painting sa mga na dumalo sa event, habang may mga sumabak naman sa TV Patrol ‘reporter challenge’ booth.

Nagpasaya rin ang ilang Kapamilya stars tulad nina Vivoree, KD Estrada, Jason Dy, Marlo Mortel, at BGYO sa isang libreng mini concert sa Summer Fair.

Layunin ng Grand Kapamilya Summer Fair ng ABS-CBN News na ilapit ang mga serbisyo publiko sa mas maraming Pilipino. Ito rin ang unang onsite event ng ABS-CBN News pagkatapos ng pandemya.

Panoorin ang mga programa ng ABS-CBN News tulad ng “Tao Po” at “My Puhunan” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC.

Huwag palampasin ang pinakabagong balita sa pamamagitan ng pagtutok sa “TV Patrol” at “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ALLTV, at iWantTFC at ANC sa iba't ibang cable providers sa buong bansa.

Para sa ibang digital content ng ABS-CBN News, i-follow sila sa Facebook, Instagram, TikTok, at X.

Para sa ibang updates, i-follow naman ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.