News Releases

English | Tagalog

Charo Santos-Concio, kabilang na sa ABS-CBN board of directors

May 31, 2024 AT 10:44 PM

ABS-CBN board of directors appoints Charo Santos-Concio as director

ABS-CBN Corporation has appointed former ABS-CBN president and CEO Ma. Rosario “Charo” Santos-Concio to its board of directors

Itinalaga ng ABS-CBN Corporation ang  dating ABS-CBN president at CEO na si Ma. Rosario “Charo” Santos-Concio bilang bahagi ng board of directors ng kumpanya.
 
Sa isang disclosure sa stock exchange noong Mayo 30, sinabi ng ABS-CBN na inihalal ng Board of Directors ng kumpanya si Charo bilang direktor, na pinupunan ang bakanteng puwang ni Atty. Augusto Almeda-Lopez na pumanaw noong Pebrero.
 
Nagsilbi si Charo bilang presidente at CEO ng ABS-CBN at humawak ng iba't ibang tungkulin sa kumpanya kabilang ang chief operating officer, chief content officer, presidente ng ABS-CBN University, executive advisor, at pinuno ng Channel 2 Mega Manila Management.
 
Tinanghal din siyang Asian Media Woman of the Year ng ContentAsia, Woman of the Year ng Asia-Pacific Stevie Awards, at tumanggap ng Gold Stevie Award sa Female Executive of the Year sa Asia, Australia, o New Zealand sa Stevie Awards for Women.
 
Nagtapos si Charo bilang cum laude sa kurso na Communication Arts sa St. Paul’s College sa Maynila. Natapos din niya ang Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2007.
 
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.