Karen Davila and Migs Bustos go on a trip up north to discover flourishing businesses in Baguio City on “My Puhunan” this Saturday (Jun 8).
Mga must-try activity sa Baguio, ipapakita rin
Iba’t ibang pasyalan, aktibidad, at mga sikat na kainan sa Baguio City ang tutuklasin nina Karen Davila at Migs Bustos sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Jun 8).
Samahan sina Karen at Migs sa kanilang pagbisita sa mga kainan na may magandang dining experience tulad ng "The Barn," "Cantina," at ang restaurant ng National Artist na si Kidlat Tahimik na "Oh My Gulay."
Malalaman din nina Karen at Migs ang mga kuwento sa likod ng mga sikat na pasalubong mula Baguio tulad ng tinapay na pasas o raisin bread ng “Baguio Country Club,” ang mga pastry ng “Victoria Bakery,” at ang strawberry jam ng negosyanteng si Annie Estrellado.
Bibisitahin din nila ang "Pilak Silvercraft and Gift Shop," ang tindahan na hindi pinapalampas ng mga turistang mahilig sa accessory, Wright Park, at ang Igorot Stone Kingdom. Kikilalanin din nina Karen at Migs ang chalk artists na palaging nagpapakita ng kanilang mga likhang sining sa Session Road.
Huwag palampasin ang espesyal na Baguio episode ng “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama si Karen Davila at Migs Bustos ngayong Sabado (Jun 8) ng 5:00 ng hapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z,
news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.