News Releases

English | Tagalog

Kim Domingo kasama na sa "FPJ's Batang Quiapo," salpukan nila ni Coco pinuri ng netizens

July 17, 2024 AT 05:04 PM

Kim Domingo joins "FPJ's Batang Quiapo," action scenes with Coco spark viewers' excitement

Kim’s participation in the series became a hot topic on social media as fans were impressed by her action skills

Kim, pinabilib ang netizens sa mala-Hollywood fight scenes

Mas titindi pa ang mga maaaksyong bakbakan sa “FPJ’s Batang Quiapo” matapos purihin ng mga manonood ang salpukan ni Coco Martin sa bagong pasok na karakter ni Kim Domingo.

Pasabog agad ang maangas na karakter ni Kim bilang si Madonna dahil hinamon niya ng makapigil-hiningang bakbakan si Tanggol. Bagama’t hindi pa klaro kung bagong kalaban o kasangga si Madonna, dapat abangan kung ano-anong mga pagsubok ang dadalhin niya sa pagpasok sa buhay ni Tanggol. 

Sa pagpapatuloy ng “FPJ’s Batang Quiapo,” muling magku-krus ang landas nina Tanggol at Madonna na aabot sa tutukan ng baril. Pero isa lang iyon sa mga balakid na haharapin ni Tanggol dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatakdang magtipon-tipon ang buong pwersa ng kanyang mga kalaban sa pagbisita nila sa burol ni Pablo Caballero. 

Pinuri naman ng netizens ang mala-Hollywood fight scenes ni Kim at excited na rin sila sa susunod pang mga maaaksyong engkwentro nina Madonna at Tanggol.

“Parang pang Hollywood yung aura. plus yung acting skills niya kahit facial expressions pa lang dama mo na yung angas,” komento ni TikTok user na si @meandMYMATCHA.

“Parang SI Kim Domingo ay SI Angelina jolie sa dating at aksyunan,” post naman ni netizen Cristina Chua.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.