Mga pelikula nina Sarah Geronimo at Vice Ganda, tampok din ngayong buwan
Mapapanood na ang family drama-comedy film na “Four Sisters Before the Wedding” na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad, Gillian Vicencio, Charlie Dizon, at Belle Mariano sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Hulyo.
Tampok sa prequel ng “Four Sisters and a Wedding” ang pagsisikap nina Alex (Gillian), Bobbie (Alexa), Gabbie (Belle), at Teddie (Charlie) na ayusin ang relasyon ng kanilang magulang ngunit sa gitna ng kanilang mga plano unti-unti rin nila matutuklasan ang iba pang problema na susubok sa kanilang samahan bilang magkakapatid.
Bukod sa “Four Sisters Before the Wedding” na ipapalabas ngayong Hulyo 7, mapapanood din sa inaabangang Sunday block ng Cinema One tuwing 7pm ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Hulyo 14, “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Hulyo 21, at “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!” ni Coco Martin sa Hulyo 28.
Magpapakilig naman ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang pagbida sa Romance Central tuwing Linggo, 5pm. Saksihan ang “The Breakup Playlist” kasama si Piolo Pascual (Hul. 7), “Won’t Last a Day Without You” kasama si Gerald Anderson (Hul. 14), “Maybe This Time” kasama si Coco Martin (Hul. 21), at “Finally Found Someone” kasama si John Lloyd Cruz (Hul. 28).
Humanda nang makisaya sa all night tawanan kasama si Vice Ganda dala ang kanyang blockbuster films na bibida sa Forever Kasama Sa Saya ng Cinema One. Huwag palampasin ang “The Amazing Praybeyt Benjamin” kasama si Richard Yap (Hul. 22), “Gandarrapiddo! The Revenger Squad” kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach (Hul. 23), “The Mall, The Merrier!” kasama si Anne Curtis (Hul. 24), “The Super Parental Guardians” (Hul. 25) at “Beauty and the Bestie (Hul. 26) kasama si Coco Martin na mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, 7pm at Biyernes tuwing 8pm.
Samantala, magpapasiklab naman ang hottest leading men sa Monday Drama ng Cinema One tampok ang “Can’t Help Falling in Love” ni Daniel Padilla (Hul. 1), “The Bride and The Lover” ni Paulo Avelino, “My Perfect You” ni Gerald Anderson, “Hello, Love, Goodbye” ni Alden Richards, at “Love You to the Stars and Back” ni Joshua Garcia na mapapanood tuwing Lunes, 9pm.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.