
Palabas na sa mahigit 230 na sinehan sa buong bansa ang “Un/Happy For You” na agad naging trending topic sa X noong premiere night nito. Nagsimula na rin ang ibang netizens na magbahagi ng kanilang positibong feedback tungkol sa pelikula online.
Sa premiere night noong Agosto 13, ipinahayag nina Joshua at Julia ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga tagahanga, pamilya, kaibigan, at mga tao sa likod ng “Un/Happy For You.”
“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat—sa fans, sa family namin na andito, sa friends namin, sa bosses thank you, sa Star Cinema salamat sa pagtitiwala sa amin ni Julia. Sa Viva Films of course at sa buong team ng Un/happy For You,” ani Joshua bago magsimula ang film screening.
Samantala, ‘overwhelmed’ naman si Julia sa pagmamahal at suporta ng kanilang loyal fans.
“Sobrang nakaka-overwhelm ‘yung suporta na pinapakita niyo. Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng efforts niyo. Sana po magustuhan niyo siya [Un/Happy For You],” sabi ni Julia.
Sa direksyon ni Petersen Vargas, tampok sa “Un/happy for You” sina Joshua Garcia, Julia Barretto, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, Ana Abad Santos, Victor Silayan, Bong Gonzales, Meann Espinosa, at Bianca De Vera.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang opisyal na Facebook, X, Instagram, at YouTube account ng Star Cinema.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.