ABS-CBN opened the doors to its home to warmly welcome various brand partners and thank them for their love and support at the Kapamilya Trade Event from August 14 to 16.
Advertisers, binigyan ng pasilip sa bagong Kapamilya shows
Binuksan ng ABS-CBN ang mga pintuan sa kanilang tahanan upang pasalamatan ang iba't ibang brand partners sa kanilang pagmamahal at suporta sa Kapamilya Trade Event na ginanap noong Agosto 14 hanggang 16.
Nagsilbing reunion para sa ABS-CBN at mga advertiser ang trade event na tinawag na “Kapamilya Homecoming” mula nang magtapos ang pandemic.
Umapaw din ang kasiyahan dahil sa world-class entertainment na hatid ng Kapamilya stars at ang pagdalo ng ilang mamamahayag ng ABS-CBN sa trade event.
Bukod dito, nakabisita rin ang advertisers sa “PBB” house, nakalahok sa “TV Patrol” news challenge, at nagkaroon ng eksklusibong pagkakataon na maging bahagi ng “Rainbow Rumble,” ang bagong game show ng ABS-CBN na pinangungunahan ni Luis Manzano.
Nakita rin ng mga advertiser ang mga teaser para sa paparating na serye ng ABS-CBN Studios. Kabilang dito ang “Saving Grace,” “It’s Okay Not to be Okay,” “Incognito” nina Daniel Padilla, Maris Racal, Anthony Jennings, at Richard Gutierrez; at ang “Nobody” na pagbibidahan naman ni Gerald Anderson.
“This really provides a homecoming, a big homecoming kasi matagal na namin silang hindi nakikita at nami-miss namin sila. Naipakita namin sa kanila na sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, we evolved into something that is still their best conduit, " sabi ni August Benitez, ABS-CBN head ng Integrated Sales.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.