Damhin din ang hugot at kilig mula sa official “Ghosting” merch shirts!
Nakuha na nga ni JM Ibarra ang matamis na ‘oo’ ni Fyang Smith matapos ang bigay-todo niyang panliligaw sa dalaga at mala aso’t pusang bardagulan moments sa pinakabagong episode ng “Ghosting Part 2: Deja BOO!” sa iWant.
Paldong-paldo sa nakakakilig na yakapan at harutan si Macmac (JM) nang tuluyan nang manindigan si Jaja (Fyang) sa kanyang feelings para sa binata, matapos harapin ang takot na muling ma-ghost o iwan ng minamahal dahil sa kanyang past relationships.
Sa gitna ng kanilang umuusbong at mas lumalalim na relasyon bilang magjowa, nadiskubre na ni Macmac ang literal na multong past ni Jaja na si Treb (JM) na madalas na napapanigipan ng dalaga.
Aminado si Macmac na siya ay nasaktan nang malamang multo ang kanyang karibal sa puso ni Jaja at natatakot na multuhin lamang siya ng katotohanang baka minahal lang siya ng dalaga dahil sa alaala ni Treb na nakikita ni Jaja sa kanya.
Samantala, ipagsigawan sa mundo ang inyong feels mula sa hugot lines ng “Ghosting” shirts. Maaaring pumili sa apat na bersyon ng shirts tungkol sa pag-move on, pagka-fall kay crushie, karupukan, at pangungulila sa the one and only mo!
Makisabay sa mga hugot at damhin din ang kilig hatid ng “Ghosting” sa official shirt merchandise nito! Mabibili ang licensed official merch sa Shirts & Prints PH sa Facebook, Lazada, at Shopee.
Alamin kung pag-ibig ng buhay o pag-ibig sa kabilang buhay ang pipiliin ni Jaja sa nalalapit na season finale ng “Ghosting Part 2: Deja BOO” na eksklusibong mapapanood ngayong Disyembre 13 (Sabado) sa iWant.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.






