News Releases

English | Tagalog

Pinoy Media Congress ng ABS-CBN, nakatakda na sa Abril

February 25, 2025 AT 04:08 PM

ABS-CBN to hold Pinoy Media Congress in April

ABS-CBN and Philippine Association of Communication Educators (PACE) will hold the Pinoy Media Congress this April 24 and 25 at the University of Makati.

Knowledge Channel, paparangalan ang mga nagwagi sa documentary contest sa PMC 

Muling magbabalik ang Pinoy Media Congress ng ABS-CBN, katuwang ang Philippine Association of Communication Educators (PACE), na gaganapin sa University of Makati ngayong Abril 24-25 kung saan paparangalan din ng Knowledge Channel ang mga nagwagi sa kanilang “Class Project” intercollegiate mini-documentary contest.

Sa ika-20 taon ng ABS-CBN Pinoy Media Congress, maghahahatid ng aral at impormasyon ang taunang Kapamilya event sa higit kumulang na 1,000 estudyante at mga guro ng komunikasyon na inaasahang dadalo.

Nilagdaan nina ABS-CBN vice president for Corporate Communications Kane Errol Choa, PACE president Mark Lester Chico, at University of Makati president Dr. Elyxzur Ramos ang memorandum of agreement para sa Pinoy Media Congress ngayong taon.

Samantala, nagpirmahan din ang Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) at PACE para sa "Class Project," isang intercollegiate mini-documentary competition na iikot sa Sustainable Development Goals ng United Nations. Paparangalan ang tatlong top placers at limang finalists sa Pinoy Media Congress.

Pinagtibay ng KCFI at PACE ang kanilang pagkakaisa sa memorandum of agreement na dinaluhan ni KCFI president at executive director Rina Lopez at PACE president Mark Lester Chico.

Sinimulan noong 2017, ang “Class Project” ay isang intercollegiate mini-documentary contest na may layuning talakayin ang mga isyung panlipunan at bigyan ng plataporma ang mga estudyanteng producers at content creators upang maibahagi ang kanilang mga kwento.

Inilunsad ng ABS-CBN noong 2005, ang Pinoy Media Congress ay nakatanggap ng mga parangal mula sa Public Relations Society of the Philippines' Anvil Awards at International Association of Business Communicators Philippines' Philippine Quill Awards. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.