"Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11” ex-housemate JM Ibarra shares how he is charting a new course—from being an aviation student to an unexpected journey in showbiz—this Sunday (March 2) on “Tao Po.”
Tampok din ang kwento ng koleksyon ng isang lolo ng kamera at fur dad ng 400 sugar gliders
Samahan si Ganiel Krishnan na alamin ang pinanghuhugutan ng inspirasyon at nais patunayan sa mundo ng showbiz ni “PBB Gen 11” ex-housemate JM Ibarra ngayong Linggo (March 2) sa “Tao Po.”
Agad na nagbukas ang pinto ng mundo ng showbiz kay JM matapos pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya na naging tulay tungo sa malalim nilang ugnayan ni “PBB Gen 11” big winner Fyang Smith na kinakiligan ng netizens.
Minsan mang naging breadwinner ng kanyang pamilya, kasing-taas ng pangarap niyang maging piloto noon, bilang dating aviation student, ang gustong liparin ngayon ni JM sa kanyang karera at patunayan na may ibubuga siya sa aktingan.
Samantala, bibisitahin naman ni Bernadette Sembrano ang camera repair shop na puno ng koleksyon ng iba’t ibang klase ng kamera ni lolo Diosdado “Dado” San Juan mula Quiapo na mahigit 15 taon nang bukas na pinagtibay ng pagmamahal niya sa pagkuha ng mga larawan.
Samantala, samahan si Kabayan Noli de Castro na tuklasin kung paano inaalagan at naparami ng isang animal lover na si Denver Co mula Tondo, Manila ang mahigit-kumulang 400 na alaga niyang sugar gliders.
Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:30 p.m. Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.