This year’s ball is an event with a cause, as a portion of the proceeds will support ABS-CBN Foundation’s programs.
“Brighter Together” isang pasasalamat sa Pinoy storytellers
Inaabangan na ang star-studded ABS-CBN Ball 2025, na binansagang “Brighter Together” sa Abril 4, kung saan magbibigay-pugay sa mga kwentong sumasalamin sa buhay at pangarap ng mga Pilipino, at nagbibigay ligaya, pag-asa, at inspirasyon sa mga manonood saan man sa mundo.
Maliban sa Kapamilya stars na nagbibigay buhay sa bawat kwento, ang ABS-CBN Ball din ay isang tribute sa mga empleyado at creatives sa likod ng mga kwentong Pilipino, at sa industry partners gaya ng TV networks, digital platforms, at advertisers na tumutulong dalhin ang mga kwentong “gawang atin” sa mas maraming manonood sa buong mundo.
Magniningning din ang pagtutulungan dahil bahagi ng kikitain sa event ay mapupunta sa mga proyekto ng ABS-CBN Foundation.
Tuklasin ang mahiwagang mundo ng Filipino storytelling at ‘wag palampasin ang pagkakataong makita ang inyong paboritong Kapamilya stars sa kanilang red-carpet attires sa Abril 4 sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, iWantTFC, at TFC-IPTV. Mapapanood din ang replays sa Metro Channel mula Abril 6 at sa Kapamilya Channel at TFC-IPTV mula Abril 13.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X,
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.