News Releases

English | Tagalog

KZ, Lovi, Maja, at Shaina, tampok sa "ASAP" ngayong Women's Month

March 08, 2025 AT 12:14 PM

Lani Misalucha, may homecoming performance rin!

 

Ibigay ang iyong pinakamatikas na saludo para sa mga empowered na kababaihan dahil itatampok sa "ASAP" ang mga nakamamanghang performance mula kina KZ Tandingan, Lovi Poe, Maja Salvador, Shaina Magdayao, at marami pang iba ngayong Linggo (Marso 9) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maghanda para sa "ASAP" homecoming MASH prod nina Maja at Shaina, sa birthday celebration ng OPM icon na si KZ, at sa epic opening performance mula kay Lovi, na sasamahan nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Morissette, Jona, Belle Mariano, Loisa Andalio, Chie Filomeno, Anji Salvacion, AC Bonifacio, Gela Atayde, Fyang Smith, Rain Celmar, Kolette Madelo, Kai Montinola, pati na rin nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos, Donny Pangilinan, Darren Espanto, at Kyle Echarri.

Mabighani sa galing ni Maymay dahil magtatanghal siya ng kanyang bagong single na "Paradise." Tuloy lang ang saya dahil may homecoming tribute rin para kay Lani Misalucha kasama sina Gary, Ogie, Angeline, Yeng, Martin, Erik, Regine, at Zsa Zsa. Abangan naman ang isang nakakapanabik na dance number mula kina Loisa, Anji, at Chie, ang sing and dance performance ni Maymay, at nakaka-excite na duet mula kina Morissette at Martin.

Samantala, huwag palampasin ang mga hatawan nina Gary, Ken San Jose, Jeremy Glinoga, JM Ibarra, at Jameson Blake, at Supah Dancers na sina Darren, Gela, at AC. Pakinggan rin ang harana ng Rockoustic Heartthrobs na sina Jarren Garcia, Kobie Brown, Luke Alford, Blackburn, at Anthony Meneses, at OPM band na December Avenue.

Makikisaya rin ngayong Linggo ang mga host na sina Robi Domingo, Edward Barber, Darren, Donny, Belle, at Maymay!

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.