News Releases

English | Tagalog

Shanaia, "Tried To Tell You" ang titulo ng bagong kanta

April 08, 2025 AT 02:08 PM

Shanaia releases new pop song "Tried To Tell You"

Shanaia Gomez drops new break up anthem "Tried To Tell You."

Mula sa sariling komposisyon ni Shanaia

Paglisan sa nanlamig na pag-ibig ang ibinahagi ng Kapamilya singer-actress na si Shanaia Gomez sa kanyang bagong awitin na “Tried To Tell You.”

Sa ballad track na isinulat mismo ni Shanaia, ibinahagi niya ang sakripisyo upang isalba ang isang relasyon ngunit nauwi pa rin ito sa paghihiwalay.

Pinangunahan ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos ang produksyon ng musika, habang si ALAS naman ang bumuo ng areglo ng kanta.

Nagsimula ang music career ni Shanaia bilang kalahok sa “Idol Philippines” season 1. Kamakailan naman ay inilabas ng “The Gatekeeper” lead star ang single na “State of Mind.”

Bukod sa pagiging ex-housemate ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10,” naging bahagi rin si Shanaia ng hit series na “He’s Into Her” at ng blockbuster film na “Rewind.” Noong nakaraang taon, ipinakita niya ang kanyang husay sa teatro sa pamamagitan ng mga palabas na “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee” and “Once on this Island.”

Pakinggan ang bagong single ni Shanaia na “Tried To Tell You”, na available na sa iba't ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE