News Releases

English | Tagalog

Gerald, Sofia, Esnyr, at Maris, may mga pasabog na rebelasyon kay Melai sa "Kuan on One"

July 21, 2025 AT 02:56 PM

Esnyr, binook ng hotel room ni Donny; Maris, kamusta ang love life?

Mainit-init na tsismis ang handog ni Kuantie Melai Cantiveros sa hit Bisaya talk show na “Kuan on One” season 3 tampok ang chikahan niya kasama sina Gerald Anderson, Sofia Andres at Daniel Miranda, Arthur Nery, Esnyr, Maris Racal, at iba pang Bisdak celebrity guests.

Patuloy ang pagtangkilik ng mga Kapamilya sa programa, na available sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at sa iWant, matapos itong makalikom ng pinagsama-samang higit 29 milyon online views para sa lahat ng episodes nito mula pa noong unang season at pinupuri ito para sa walang humpay na Bisaya vibes na hatid ng show.

Napapanood na ang pinakabagong episode kasama ang “Incognito” star na si Maris kung saan nagbigay siya ng ilang life updates tulad ng kamusta na ang kanyang love life at kung paano niya nalagpasan ang ilang mga pagsubok sa buhay.

Isa rin sa guests ng programa ay ang “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” third big placer duo na si Esnyr kung saan puno ng good vibes ang hatid nito. Bukod sa pagtalakay ng kanyang viral social media videos, alamin kung bakit kinuhanan si Esnyr ng sariling hotel room ni Donny Pangilinan habang ginagawa nila ang pelikulang “Love is Color Blind” kasama si Belle Mariano.

Ang “Sins of the Father” star na si Gerald naman ang naka-kwentuhan ni Melai sa unang episode tungkol sa kanyang teleserye comeback, mga pangarap nila ng jowang si Julia Barretto, at iba pang karanasan niya bilang Kapamilya heartthrob.

Game na game rin sumalang ang celebrity couple na sina Sofia at Daniel sa ikalawang episode kung saan umamin ang dalawa kung bakit sila nag-unfollow sa isa’t isa sa social media noon. Nag-kwento rin sila ng masayang karanasan bilang mga magulang, kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang relasyon, at kung bakit in love na in love pa rin sila hanggang ngayon.

Nag-kwento naman ang OPM hugot hitmaker na si Arthur Nery ng kanyang mga pagsubok sa buhay at kung paano niya nagamit ang mga karanasan niyang iyon sa pagsusulat ng mga kanta, katulad lamang ng patok niyang awitin na “Pagsamo.”

Abangan ang panibagong episode bukas (Hulyo 22) tampok ang “PBB Celebrity Collab Edition” third big placer duo at GMA artist na si Charlie Fleming. Handog din ng “Kuan on One” season 3 ang iba pang mga bagong bisita na mga Bisdak icon mula sa mundo ng showbiz, social media, beauty pageants, at marami pang iba. Mapapanood ang mga bagong episode kada Martes ng 8 AM.

Samantala, eksklusibong mapapanood ng Super Kapamilya members ang extended na kwentuhan sa “Kuantuhan Uncensored” tampok ang iba pang mga tanong at rebelasyon ni ni Melai kasama ang kanyang mga bisita. Para ma-access ito, pumunta sa membership tab ng ABS-CBN Entertainment YouTube at i-click ang ‘join.’

Makisaya sa kwentuhan kasama si Kuantie Melai sa panonood ng “Kuan on One” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWant kung saan may bagong episode kada Martes. Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Gerald, Sofia, Esnyr, at Maris, may mga pasabog na rebelasyon kay Melai sa "Kuan on One"