News Releases

English | Tagalog

"Sins of the Father" stars, nakisaya sa Sublian Festival sa Batangas

July 28, 2025 AT 04:13 PM

Kapamilya Karavan nagpasaya sa mga Batanguenos 

Saglit na nagpahinga sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Jessy Mendiola sa kanilang mabibigat na eksena sa “Sins of the Father” upang makisaya sa mga Batanguenos sa pagdiriwang ng Sublian Festival.

Kasama rin sa latest stop ng Kapamilya Karavan sina JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, at Seth Fedelin, na naghatid ng performances sa SM City Batangas noong Hulyo 19.

Samantala, patuloy ang crime drama na “Sins of the Father” sa pagpukaw ng damdamin ng mga manonood pagkatapos ng nangyaring kidnapping ng anak ni Samuel (Gerald) na si King (Clave Sun).

Sa pagpapakamatay ng isang biktima (Smokey Manaloto) dahil sa epekto ng Yayaman Tayo investment scam, nag-desisyon na si Samuel na makipagtulungan kay Agnes (Jessy) para masugpo ang mga tunay na scammer.

Base sa teaser ng programa ngayong linggo, target na ring maging scambuster ni Atty. Leah Rivera (Shaina) para matulungan ang mga biktima. Marami ring lihim ang malalantad dahil iniisip na ni Samuel na ipaalam sa anak ang tunay na kwento sa likod ng ina nito.

Samahan si Samuel sa pagpapalabas ng katotohanan sa “Sins of the Father,” na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC, Lunes hanggang Biyernes, 9:30 pm. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X(Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), TikTok (@jrbcreativeprod), o bisitahin ang https://www.abs-cbn.com/entertainment/studios/tv/sins-of-the-father.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 8 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"Sins of the Father" stars, nakisaya sa Sublian Festival sa Batangas