Libo-libong Kapamilya mula sa Cavite ang nakisaya sa “Bida Kapamilya” event ng ABS-CBN na naghatid ng isang araw ng pasasalamat at pagdiriwang kasama ang cast ng pinakabagong teleserye nito na “Sins of the Father.”
Naganap ang masayang selebrasyon noong Linggo (Hunyo 8) tampok ang mga libreng serbisyo at iba pang sorpresa para sa mga Caviteno sa General Trias City Hall. Sinundan ito ng motorcade na umikot sa iba’t ibang barangay sa General Trias kasama ang “Sins of the Father” stars na sina Jessy Mendiola, JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, JV Kapunan, LA Santos, Elyson De Dios, at Gerald Anderson na nagbigay ng pagbati at ngiti sa mga fans na nag-abang sa pagdiriwang.
Tuloy-tuloy ang saya sa entablado sa Robinson’s Place General Trias kasama pa rin ang “Sins of the Father” stars kabilang si Seth Fedelin na talaga namang inabangan at hiniyawan ng mga manonood.
Hinarana rin ng “TNT All-Star Grand Resbak” champion na si Marko Rudio ang Kapamilya fans sa pamamagitan ng upcoming single niyang “Pag-asa Kada Bukas,” na magsisilbing official soundtrack ng “Sins of the Father.” Naghandog din ng kani-kanilang song numbers ang ASAP Singing Champs na sina Khimo Gumatay at Reiven Umali.
Nagpaindak naman ang rising P-pop boy band na 1621 sa pag-awit nila ng “Maria” at ng patok nilang kanta na “Bababa” na sinabayan pa ng energetic crowd dahil sa viral dance moves nito.
May handog ding special performances ang cast ng upcoming digital movie na “The Four Bad Boys and Me” na sina Anji Salvacion, Harvey Bautista, Dustine Mayores, AC Bonifacio, Analain Salvador, Krystal Brimner, at Gela Alonte.
Sina DJ JhaiHo, Eris Aragoza, Aiyana Perlas, at Eva Ronda ang nagsilbing hosts ng “Bida Kapamilya” Cavite leg.
Abangan ang susunod na “Bida Kapamilya” na dumadayo sa iba’t ibang lugar sa bansa para maghatid ng saya at magpasalamat sa mga Kapamilya na walang sawang sumusuporta sa ABS-CBN programs at stars.
Mapapanood na ang “Sins of the Father” simula Hunyo 23 (Lunes) sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWant, at TFC. Abangan din ang “Four Bad Boys and Me” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.