News Releases

English | Tagalog

Mas pinasayang panonood ng paboritong palabas, hatid ng bagong iWant simula Hunyo 12

June 12, 2025 AT 02:01 PM

iWant unveils sleeker, better streaming experience starting June 12

iWant, the Home of Filipino Feels, is making it easier and more enjoyable for Filipinos to stream their favorite shows, movies, and live content with a brand-new viewing experience, which will first roll out on smart TVs starting today (June 12).

Tampok ang mas pinalawak na pagpipilian ng mga palabas mula telebisyon, pelikula, at online series

Mas pinasaya at mas pinadali na ang panonood sa iWant, ang Home of Filipino Feels, simula Hunyo 12 sa smart TVs.

May bagong itsura ang iWant para sa mas mabilis, mas malinaw, at mas maayos na panonood ng paborito mong mga palabas, pelikula, at live content.  Mas madaling hanapin ang trending, bagong episodes, at mga kilig, senti, o gigil na eksena, depende sa mood mo.  

Mas pinalawak na pagpipilian ng mga palabas mula sa telebisyon gaya ng “FPJ’s Batang Quiapo,” mga pelikula, at online series na swak sa mood at vibes ng mga manonood — mula kilig, gigil, hanggang senti at iba pa.

Bida rin sa bagong iWant ang iWant Originals series gaya ng “Love at First Spike” na pinagbibidahan nina Emilio Daez, Sean Tristan, at Reign Parani; trending na mga palabas gaya ng “PBB Collab Celebrity Edition”; at mga eksklusibong content gaya ng dokyu tampok ang nation’s girl group na BINI at director’s cut ng “MMK” ni Charos Santos.

Bagong-bago rin ang itsura, mas mabilis ang loading, at mas malinaw na masisilip ang mga bidyo kaya swak ito sa malalaking TV screen sa bahay.

Patikim pa lang ito bago ang paglunsad ng bagong iWant sa Hulyo, kung saan magiging available na rin ang bagong experience sa mga cellphone at tablet.

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood.

Available rin ito sa Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE