Abangan ang pagbisita ng cast ng Love at First Spike
Balikan ang back-to-back ASAP homecoming celebrations nina Julia Barretto at Janella Salvador at ASAP Sessionistas at ang pasabog na collab nina Regine Velasquez at Moira Dela Torre sa "ASAP" ngayong Linggo (Hunyo 15).
Panoorin muli ang pagbabalik nina Julia at Janella sa "ASAP" stage. Abangan din ang reunion ng "ASAP" Sessionistas na sina Ice Seguerra, Juris, Sitti, Princess Velasco, and Kean Cipriano sa kanilang pagperform ng hit songs ng BINI.
Abangan ulit ang collab nina Regine at Moira. Pakatutukan din ang world-class performances nina Sofronio Vasquez, Gary Valenciano, at Martin Nievera at Yeng Constantino at Angeline Quinto.
Bibisita rin ngayong Linggo ang cast ng "Love at First Spike" na sina Emilio Daez, Reign Parani, Sean Tristan, Rain Celmar, Dylan Ytullarde, Andi Abaya, Sky Quizon, Bong Gonzales, Jude Hinumdum, Lance Reblando, Binsoy Namoca, at Drei Sugay.
Sariwain din ang isang bonggang opening number mula kina Gary, Ogie Alcasid, Regine, Zsa Zsa, Erik Santos, AC Bonifacio, Fyang Smith, Gela Atayde, Angeline, Yeng, kasama ang MNVRS at G-Force.
Pakinggan din muli ang mga kaka-release lang na kanta mula sa BGYO at Rockoustic Heartthrobs na sina Jarren,Kobie Brown, Blackburn, Luke Alford, at Anthony Meneses.
Maki-indak din sa performances ng Supahdancers na sina Darren, AC, at Gela, at Dance Sirens na sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Loisa Andalio.
Tuloy-tuloy naman ang kantahan mula kina Bamboo at ASAP Divas Jona, Klarrise, Lyka Estrella, at Marielle Montellano.
Huwag din palampasin ang reggae performance mula sa Brownman Revival kasama sina Ogie, Zsa Zsa,Erik, Yeng, Sofronio, at Regine. Makakasama rin ngayong weekend ang hosts ng programa na sina Robi Domingo, Maymay Entrata, at Edward Barbers.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.