News Releases

English | Tagalog

Pagbabalik ng "Rainbow Rumble," kinaaliwan ng netizens

June 30, 2025 AT 10:55 PM

Netizens, patuloy na kinabibiliban ang pagho-host ni Luis...

 

Siksik liglig sa katatawanan at excitement ang naramdaman ng netizens sa pilot weekend ng ikalawang season ng “Rainbow Rumble,” kung saan naglaro ang LGBTQIA+ achievers na sina Jervi Wrightson, Sassa Gurl, Iyah Mina, Marina Summers at Vice Ganda noong Sabado (Hunyo 28) at "Sins of the Fathers" stars Gerald Anderson, Jessy Mendiola, RK Bagatsing, JC de Vera, at Jerald Napoles noong Linggo (Hunyo 29).

Pinag-usapan at nag-trending ang pagbabalik ng game show lalo na at namiss nila ang galing sa pagho-host ng Rumble Master na si Luis Manzano.

Post ni Bryan Ko, "Yeah welcome back ulit #RainbowRumblePH Nai-enjoy talaga ako tuwing weekend kapag napapanuod ko to lalo na si idol Luis Manzano ang host #SolidForeverKapamilya

Pinusuan din ng manonood ang naging kwelang paglalaro nina  Jervi, Sassa, Iyah, Marina, at Vice sa elimination round na "Rally to the Top" kung saan nanguna ang Filipino drag performer na si Marina.

Komento ni jhayvot g, "Riot ng tandem ni Meme at Luis at Iyah Mina."

Hindi naging madali ang pag-akyat niya sa tuktok lalo pa at nagsalitan sila nina Vice at Jervi sa pagsagot ng tama sa mga tanong ni Luis. Ngunit hindi naman nagwagi ang “Drag Race PH” runner-up sa pagkuha ng lahat ng kulay sa DRM para manalo ng P1 million pesos. Nag-uwi siya ng P85,000.

Katulad ng first episode, kinagiliwan din ng manonood ang paglalaro nina Gerald, Jessy, RK, JC, at Jerald. Naging mahigpit din ang naging labanan sa unang round lalo pa at napupuntirya ang asawa ni Luis na si Jessy sa kanyang tile at palaging nahahamon sa tile breaker. Sa huli, napagtagumpayan ni JC na manguna sa elimination round matapos niyang makuha ang 'lucky tile' at patuloy na sumagot ng tama sa tanong ni Luis. Pagdating sa "Rainbow Reveal," kinulang din si JC ng oras para kunin ang huling kulay sa DRM. Nakakuha naman siya ng P100,000.

Patuloy na panoorin ang  pinakamakulay game show ng bansa na "Rainbow Rumble" tuwing 6:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWant.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.