News Releases

English | Tagalog

Trending na patikim sa “Ghosting” nina Fyang, JM, humakot ng 23M views

July 12, 2025 AT 12:57 PM

Fyang and JM's "Ghosting" trailers hit 23M views across social media, YouTube ahead of premiere on iWant

The upcoming iWant original series "Ghosting," starring Fyang Smith and JM Ibarra, is generating online buzz, with its teasers and official trailer racking up over 23 million views across social media and YouTube—just days before its exclusive premiere on iWant this July 19.

Tampok ang pinag-uusapang pamatay na kwento ng taon

Humakot ng mahigit 23 million views at trending sa social media at YouTube ang opisyal na trailer at patikim sa kauna-unahang digital series ng tambalang Fyang Smith at JM Ibarra na “Ghosting,” na eksklusibong mapapanood simula Hulyo 19 (Sabado) sa iWant.

Kinakiligan at damang-dama ng netizens ang chemistry nina Fyang at JM sa kabila ng pagiging baguhan nila sa showbiz matapos maging housemates ng “Pinoy Big Brother Gen 11.”

Inulan ng papuri ang official trailer at halos wala rin umanong masabi ang fans nina Fyang at JM sa ipinamalas na aktingan kahit hindi pa man nagsisimula mismo ang kanilang series.

Excited din ang netizens sa pagsisimula ng love story nina Jaja (Fyang) at Wilberto (JM) sa walong episode na series tampok ang kwento ng isang dalagang estudyante na na-inlove sa isang misteryosong probinsyano na literal na “ghost” o multo.

Alamin kung posible nga bang ma-inlove ang mga taong minsan nang na-ghost sa “Ghosting,” eksklusibong mapapanood sa iWant simula Hulyo 19 (Sabado). 

I-download o i-update na ang inyong iWant app para ma-enjoy ang pinakabagong streaming experience na ngayon ay available na sa smartphones, smart TVs, tablets, at computers.

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo. Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE