News Releases

English | Tagalog

Vice Ganda, Vic Sotto, Coco Martin, Judy Ann Santos, at Angelica Panganiban, magpapasaya sa Cinema One ngayong Hulyo

July 02, 2025 AT 03:46 PM

Eugene, hatid din ang katatawanan sa Tuesday Comedy

Apat na blockbuster comedies mula kina Vice Ganda, Vic Sotto, Coco Martin, Judy Ann Santos, at Angelica Panganiban ang hatid ng Cinema One ngayong Hulyo sa Blockbuster Sundays block (Linggo, 7pm) na tiyak na maghahatid ng good vibes sa buong pamilya. 

Mapapanood si Vice Ganda sa “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” sa Hulyo 6 kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach na may kani-kaniyang misyong kakaharapin. Mahanap kaya nila ang ‘power’ para makamit nila ang pagiging ‘super?’ 
Tampok naman si Vic Sotto sa “Mission Unstapabol: The Don Identity” na magpapasaya sa Hulyo 13. Ginagampanan niya ang isang ex-convict na may gustong nakawin mula sa kanyang kapatid (Jose Manalo) kasama ang cast na sina Jelson Bay, Jake Cuenca, Pokwang, Wally Bayola, at Maine Mendoza.

Si Coco Martin naman ang bida bilang si Apollo sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” na magiging suspek sa pagpatay sa dati niyang amo. Kasama niyang magpapatawa sina Jennylyn Mercado at Ai-Ai delas Alas ngayong Hulyo 20. 

Sanib-pwersa sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na ginagampanan ang papel ng devoted wives nina Joross Gamboa at JC De Vera. Pagkatapos na lokohin ng kani-kanilang asawa, handa nang maghiganti ang dalawang misis sa darating na Hulyo 27. 

Bukod sa apat na blockbuster flicks na nabanggit, bibida rin sa Cinema One ang mga pelikula ni Eugene Domingo sa Tuesday Comedy tuwing Martes, 9pm. Abangan siya sa “D’ Lucky Ones” (digitally restored at remastered) sa Hulyo 8, “Ang Babae sa Septic Tank 3 (The Movie Cut)” sa Hulyo 15, “Wedding Tayo Wedding Hindi” (digitally restored at remastered format) sa Hulyo 22, at “Kimmy Dora and the Temple, of Kiyeme” sa Hulyo 29.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE