Tampok din ang kanilang love stroy throwback at kwentong kasalan na buong malalaman sa “Ghosting” part 2 ngayong Nobyembre 1
Ibinida nina Kapamilya stars Fyang Smith at JM Ibarra ang kanilang sweet at kilig moments ng kanilang love story sa “Ghosting” sa espesyal na spin-off nitong “Girly Pop Diaries,” na eksklusibong mapapanood sa iWant worldwide.
Tampok din ang patikim sa kwento ng kanilang muling pagkikita matapos matagal na magkalayo sa isa’t isa at ang kwento ng kasalan nina Jaja (Fyang) at MacMac (JM) na pinagbiak na bunga ng multong si Treb (JM), na mapapanood sa “Ghosting” Part 2 simula ngayong Nobyembre 1 (Sabado).
Binalikan ni Jaja kung saan nagsimula ang lahat, mula nang i-ghost siya ni Vhal (Kobe Brown) hanggang sa nakilala niya si Treb, sa kanyang pagnanais na tuluyang maka-move on, sa tulong ng kaniyang bestie na si Emma (Vivoree).
Hindi rin pahuhuli ang delulu moments ni Jaja na kanyang mismong ikinwento, pagpili niya kay Treb (JM) na multong isinisigaw ng kanyang puso, at ang pangakong pag-ibig nila para sa isa’t isa hanggang dulo.
Huwag magpahuli at kiligin sa kwento ng pag-iibigan nina Jaja (Fyang) at Treb (JM) sa “Girly Pop Diaries” na eksklusibong mapapanood sa iWant worldwide.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.







