Barbie at Baron, makakasama rin sa bagong Kapamilya action-drama series
Mas paiigtingin ng ABS-CBN ang primetime viewing ng manonood sa pamamagitan ng nalalapit nitong action-drama series na “Blood vs Duty” na pagbibidahan nina Richard Gutierrez, Bela Padilla, at Gerald Anderson.
Dagdag pa sa excitement sina Barbie Imperial at Baron Geisler na makakasama rin sa inaabangang programa, ayon sa project announcement na ginanap nitong Lunes (Enero 19).
Noong nakaraang taon, bumida si Baron sa “Incognito” series kasama si Richard, habang napanood naman si Barbie sa ikalawang season ng “Sins of the Father” kasama si Gerald. Nakasama rin sina Baron at Barbie sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang sina Rocky Boy at Tisay.
Pangungunahan ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN, na nasa likod ng mga programang “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Mars Ravelo’s Darna,” “Nag-aapoy na Damdamin,” at “Sins of the Father,” ang paggawa ng series kasama ang batikang direktor na si FM Reyes.
Abangan sa primetime sa nalalapit na panahon ang “Blood vs Duty.” Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

