Opisyal nang binuksan ng “It’s Showtime” ang ika-sampung season ng longest running singing competition ng bansa na “Tawag ng Tanghalan,” tampok ang The Voice USA Season 26 champion na si Sofronio Vasquez bilang pinaka-bagong hurado ng prestihiyosong kompetisyon.
Makakasama ni Sofronio ang Punong Hurado na si Louie Ocampo at “TNT” Season 4 grand champion JM Yosures, na magdadala ng karanasang nakuha niya sa ibang bansa at ibang pananaw sa pinakamatagal na tumatakbong noontime singing contest sa bansa.
Sa bagong season,mga bagong mukha ang masisilayan ng manonood na magmumula sa 18 rehiyon ng bansa. Linggo-linggo, maglalaban ang mga contender ng bawat rehiyon. Ang maswerteng magwawagi ay uusad sa regional finals hanggang sa mabuo ang 18 kinatawan ng bawat rehiyon na maglalaban para sa titulo bilang Season 10 grand champion.
Sa unang araw ng kompetisyon, nanaig ang 19-anyos na si Sidro Quilicol laban kay Vergel De Guzman matapos makuha ang pinakamataas na iskor na 91.3%.
Huwag palampasin ang pinakabagong edisyon ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime”, napapanood Lunes hanggang Sabado, 12:00 NN sa GMA, Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live (sa ABS-CBN Entertainment YouTube at Facebook pages), iWant, at TFC IPTV.
Mapapanood din ang hit online show na “Showtime Online U” sa It’s Showtime YouTube channel.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.




