News Releases

English | Tagalog

Coco, nakalusot sa kalupitan ni Baron

January 08, 2026 AT 02:27 PM

I-scan ang digital black box para mapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2

 

Tumitindi na ang sagupaan sa pagitan nina Coco Martin at Baron Geisler matapos bigong patayin ni Rockyboy (Baron) si Tanggol (Coco) sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na napapanood na rin sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.

 

Hindi umubra kay Tanggol ang kalupitan ni Rockyboy nang subukan nitong patumbahin si Tanggol nang nakasuot ng costume na pang-serial killer. Kahit nag-aagaw-buhay na si Tanggol bago pa ang pag-atake ni Rockyboy, nagawa pa niyang makaganti sa kabila ng madugong engkwentro.

 

Pero mukhang hindi pa nakaligtas si Tanggol sa kamatayan dahil wala pa rin siyang kamalay-malay na delikado ang safehouse kung saan sila nagtatago. Si Rockyboy kasi ang nagmamay-ari ng safehouse at nagpapanggap lang ito bilang kaibigan ng tropa na si Bernard.

 

Ngayon, kailangan nang gumawa ng panibagong plano ni Tanggol bago pa siya maunahan ni Rockyboy, na gigil na gigil makaganti dahil sa pambubugbog na ginawa sa kanya ni Tanggol noong una nilang pagkikita. 

 

Napapanood na ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang Kapamilya Channel sa ALLTV2.

 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Cinemo, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE