Panoorin nang LIBRE ang nakakata-cute na love story ng JMFyang sa iWant hanggang Enero 31!
Umpisahan ang taon na kiligin sa pamatay na love story nina JM Ibarra at Fyang Smith sa “Ghosting” Season 1, tampok kung paano nila nahanap sa isa’t isa ang tunay na pagmamahal, na eksklusibong mapapanood nang libre sa iWant hanggang Enero 31 (Sabado).
Masusubaybayan sa walong episode ng “Ghosting” season 1 ang kwento kung paano na-develop ang feelings ng dalagang estudyante na si Jaja (Fyang) sa literal na “ghost” o multo na si Wilberto (JM).
Isa ang “Ghosting” sa unang digital series ng iWant noong 2025 at nag-trending online na humakot ng mahigit 30 million views sa social media at YouTube sa patikim na teasers at official trailer, isang linggo bago pa man ang official release ng series noong Hulyo.
Sa direksyon ni Ted Boborol, kasama ng tambalang JMFyang sa series sina Gello Marquez, Kobie Brown, Vivoree, Zach Guerrero, at mga batikang aktres na sina Peewee O’Hara at Ces Quesada.
Samahan sina JM at Fyang sa kanilang nakakata-cute at kilig-to-the-bones na love story sa “Ghosting” season 1 na libreng mapapanood sa iWant hanggang Enero 31 (Sabado).
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, mapapanood mo rin ang pagpapatuloy ng makulay na pag-iibigan ng JMFyang sa “Ghosting” Part 2, mga spinoff nitong “Final Ghostination” at “GirlyPop Diaries.” Mapapanood din ang iba pang shows, series, movies, at live channels sa iWant, hatid ang iba’t ibang Filipino feels.
Para sa exclusive discounts para sa one year subscription ngayong New Year, mag-subscribe na sa iWant at gamitin ang promo code na “IWANT299” para sa iWant Annual Basic Plan sa halagang P299 o piliin ang iWant Annual Premium Plan sa code na “IWANT999.” Maari lamang i-avail ang discount hanggang Enero 31 (Sabado).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.



