Tinutukan ang pasabog na premiere!
Inabangan ang pasabog na premiere ng bagong ABS-CBN action-drama series na “Blood vs Duty” sa primetime TV at digital platforms na agad kinapitan ng mga manonood at naging most watched series sa Netflix Philippines dahil sa nag-aalab na kwento nito tungkol sa ilegal na armas.
Nagsimula nang ipalabas ang maaksyong teleserye sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live noong Lunes (Abril 6), 8pm habang napapanood na rin ang advanced episodes nito sa Netflix at iWant simula noong weekend.
Nasaksihan sa pilot episode ng “Blood vs Duty” ang misyon nina Marcus (Richard Gutierrez), Lara (Bela Padilla), at Felix (Baron Geisler) bilang agents na pigilan ang pagkalat ng illegal firearms. Samantala, magugulo naman ang komunidad nina Jalil (Gerald Anderson) at Jamilah (Barbie Imperial) na madadawit sa pagtatago ng ilegal na armas.
Pinuri naman ng mga manonood ang malalim na kwento at ang husay ng powerhouse cast ng serye.
“Grabe halimaw talaga si Richard Gutierrez sa action! Ang galing ng mga sipa niya at ang husay niya sa karate. Pang-Hollywood ang level ng fight scene at grabe ang sagupaan nila ni Gerald,” saad ng Facebook user.
“Richard and Gerald show the two sides of justice and fairness. They maybe protagonists here with different perspectives,” komento ng isa pang Facebook user.
“Bagay kay Bela maging intelligent agent. Matalino, madiskarte, at matapang!” ani ng Facebook user.
“Sa role ni Baron panigurado marami na naman ang mahi-high blood sa sobrang galit at isa na ako roon. Sobrang galing kasi niya sa gumanap sa karakter niya,” saad ng netizen.
“Interesting ang story ni Barbie dito. Magiging mabait pa rin kaya siya sa gitna ng pagsubok sa mga susunod na episodes?” komento ng netizen.
“Sobrang timely ng story and it feels like it really reflects what’s happening in the Philippines right now,” post ng X user.
Para mapanood ang “”Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.






