News Releases

English | Tagalog

Richard, Bela, at Gerald, pasabog ang magiging harapan sa "Blood vs Duty"

April 01, 2026 AT 05:20 PM

Bela, magniningning bilang isa sa tatlong ‘bituin’ ng “Blood vs Duty”

Sisimulan na nina Richard Gutierrez, Bela Padilla, at Gerald Anderson ang matinding laban sa bagong ABS-CBN series na “Blood vs Duty,” na mapapanood na sa Netflix simula Biyernes (Abril 3), sa iWant simula Sabado (Abril 4), at sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live simula Lunes (Abril 6), 8pm.

Para kay Bela, na gumaganap bilang investigative agent na si Lara Angeles na may mapait na nakaraan, tunay ngang punong-puno ng aksyon ang programa at meron din itong sariwang kwento na naglalayong palawakin ang hangganan ng pagkukwento sa telebisyon.

“Maaksyon talaga siya, as in ang fast-paced niya,” ani Bela sa kanyang naging panayam sa Kapamilya Chat

“I’m so impressed with the writing of the show. I want to push for intelligent content, especially on mainstream media. Itaas natin ang quality, and I think ‘Blood vs Duty’ is trying to do that,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Samantala, napansin ng netizens ang hidden element ng watawat ng Pilipinas sa inilabas na poster ng programa, at kasama rito ang tatlong bituin na sina Richard, Bela, at Gerald na magiging sentro ng kwento.

Kuhang-kuha ng poster na dinisenyo ni Justin Besana ang vision ng serye ayon kay JRB Creative Production business unit head Julie Anne R. Benitez.

Aniya, “The hidden Philippine flag in the poster was very intentional. It reflects how Richard, Bela, and Gerald are the three stars carrying different sides of one story–three perspectives, one nation, one truth.” 

Ginagampanan dito ni Richard ang papel ng special agent na si Marcus Reyes. Naniniwala siya na higit pa sa aksyong handog ng programa, magugustuhan ng mga manonood ang mga malalim na karakter nito. 

“S’yempre yung action namin nandyan to intensify the story. Pero I think dito sa ‘Blood vs Duty’ talagang kakapit yung audience natin sa kwento, sa characters. Malalim yung pinagdadaanan ng mga characters dito,” sabi ni Richard

Para naman kay Gerald, na gumaganap bilang si Jalil Abubakar na protektor ng isang komunidad na gagambalain ng government forces dahil sa mga ilegal na armas, tiyak na mapupukaw ang atensyon ng mga manonood ng bawat episode nito.  

“Bawat episode nasa dulo kayo ng upuan ninyo. Di ninyo alam anong mangyayari. Ang ganda kasi ng bawat karakter,. This is an ensemble cast, kanya-kayang napakagandang kwento” saad ni Gerald

Kasama rin nina Richard, Bela, at Gerald sina Baron Geisler, isang matapang na agent na nagngangalang Felix Domingo, at Barbie Imperial, ang mabait ngunit palaban na si Jamilah Abubakar.

Abangan ang “Blood vs Duty” sa Netflix simula Biyernes (Abril 3), sa iWant simula Sabado (Abril 4), at sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live simula Lunes (Abril 6), 8pm.

Para mapanood ang “”Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE