News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, ibinida ang pagiging "Together Forever" ng mga OFW at Kapamilya sa Pinas

May 18, 2026 AT 09:05 AM

Kahit saan man sa mundo, manatiling konektado sa Kapamilya Online Live at iWant

 

Sagot ng ABS-CBN ang pagiging homesick ng mga Kapamilya!

 

Manatiling ‘together forever’ at konektado sa mga mahal sa buhay sa sabay-sabay na panonood ng minamahal na ABS-CBN shows sa Kapamilya Online Live at iWant, na mae-enjoy ang 24/7 online viewing saan man sa mundo.

 

Naglunsad ang ABS-CBN ng bagong nakakaantig na video tampok ang mga overseas Filipino worker at kung paano tila nagagamot ang kanilang pagiging homesick dahil nakakanood sila ng Kapamilya shows sa Kapamilya Online Live sa YouTube at sa iWant kasabay ng mga mahal nila sa buhay na nasa Pilipinas.

 

Ang naturang video ay parte ng “Together Forever” campaign bilang pasasalamat sa walang hanggang suporta ng mga Kapamilya sa mga programa at artista ng ABS-CBN.

 

Napapanood ang Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube, ang most-subscribed media and entertainment channel sa Southeast Asia na mayroong 54.8 milyong subscribers. Handog nito ang mas pinasayang libreng panonood ng kasalukuyang umeereng mga programa ng ABS-CBN pati na rin ang classic shows na maaaring i-replay.

 

Ilan sa mga napapanood dito ay ang “Blood vs Duty,” “The Alibi,” “It’s Showtime,” at “TV Patrol,” kabilang din ang paboritong weekend game shows na “Kapamilya Deal or No Deal” kasama si Luis Manzano at “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda.

 

Mapapanood din ngayong taon sa Kapamilya Online Live ang inaabangang primetime action series na “Coco Martin’s Sigabo” na pagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.

 

Hindi rin mahuhuli sa chikahan sa Kapamilya Online Live dahil pwedeng makipag-usap sa iba pang Kapamilya saan man sa mundo habang sabay na nakatutok sa panonood sa pamamagitan ng live chat box. 

 

Damang-dama rin ang aksyon, drama, at kilig sa panonood sa iWant na may pinakamalaking koleksyon ng Filipino feels. Bukod sa live programming ng ABS-CBN at full episodes ng primetime shows, available rin dito ang classic teleseryes, blockbuster movies, at mga bagong iWant Original kabilang ang mga microdrama.

 

Mapagpipilian ang mga bagong palabas tulad ng “The Secrets of Hotel 88,” kung saan available ang episodes pitong araw bago ipalabas sa TV, at ang microdrama na “The Chambermaid’s Daughter.” Dapat naman abangan ang iba pang Originals tulad ng “Miss Behave” at “Nurse the Dead.”

 

Tumutok sa Kapamilya Online Live at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. I-download ang iWant, ang streaming platform na may pinakamalaking koleksyon ng Filipino feels, sa Apple App Store o Google Play. Maaari rin itong mapanood sa iwant.ph.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 8 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

ABS-CBN, ibinida ang pagiging "Together Forever" ng mga OFW at Kapamilya sa Pinas