Bagong anthem ng “TNT” alumnus para sa hindi inaasahang pag-ibig
Muling binuksan ng “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak” runner-up na si Ian Manibale ang kanyang puso sa bagong single na “Ganito Ba.”
Tungkol ang R&B track sa espesyal na connection sa isang tao sa hindi inaasahang panahon. Dala nito ang emosyon ng pagkakaroon muli ng pag-asa na sumubok magmahal. Isinulat ito ni Kiko Salazar at iprinodyus ni Gabriel Tagadtad sa ilalim ng DNA Music label ng ABS-CBN.
Unang nakilala si Ian na tubong Cantanduanes nang maging runner-up ito sa “Tawag ng Tanghalan” season 5 noong 2021. Muli niyang nasungkit ang ikalawang pwesto nang magbalik siya sa “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak” season 2.
Matapos ang “TNT” journey, naging ganap na recording artist si Ian at inilunsad ang debut single na “Vicente Cruz” na sinundan ng “Laging Nasa Tabi Mo.”
Nakasama niya rin ang day one para sa “Naubos Na” at ang kapwa “TNT” alum na si Jezza Quiogue para sa “Hindi Na Mahal.” Kasalukuyan bahagi si Ian ng One Music Management.
Available ang “Ganito Ba” ni Ian sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang DNA Music PH sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


