Puno ng confidence ang dating “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” housemate na si Carmelle Collado sa kanyang unang original solo offering na “Morena.”
Tungkol ang empowering pop-dance track sa pagmamahal sa sariling kutis at pag-angat ng representasyon para sa mga morena. Isinulat at iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, habang co-writers nito ang Star Music artist na si Jeremy G at WRIVE members na sina Russu Laurente, Ishiro Incapas, at Asi Gatdula.
Papatunayan ng Kapamilya singer ang pagiging new gen pop diva sa “CARMELLE LIVE!” na gaganapin sa Mayo 17 sa SM North Edsa Skydome. Mabibili ang tickets sa halagang P3,199 (SVIP), P2,499 (VIP), P1,999 (Patron), at P1,499 (Gen ad). Maaari rin i-avail ang soundcheck access sa halagang P299. Available ang tickets sa smtickets.com at SM Tickets outlets.
Bago ang kanyang “PBB” journey, unang nakilala si Carmelle nang sumali siya sa “The Voice Kids Philippines” season 4 at nanalo bilang runner-up sa ilalim ng grupo ni Bamboo noong 2019. Muli siyang bumalik sa entablado at naging unang grand champion ng “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown” noong nakaraang taon.
Bilang recording artist, nakapaglabas na si Carmelle ng iba’t ibang cover singles tulad ng “Maalala Mo Kaya” at “Stay.” Naging bahagi rin siya ng anniversary single series ng composer na si Soc Villanueva at inawit ang “Unti-Unti” kasama si Kevin Yadao.
Makisayaw sa “Morena” ni Carmelle na napapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms at samahan siya sa “CARMELLE LIVE!” na gaganapin sa Mayo 17 sa SM North Edsa Skydome. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

