News Releases

English | Tagalog

Gerald, nagpapanggap bilang pulis para sa katotohanan sa "Blood vs Duty"

May 06, 2026 AT 10:55 AM

 Kilalanin ang cast members na bubuo sa bagong Task Force Alpha, Metal 13

Papasukin ni Gerald Anderson ang pagiging undercover agent na nagngangalang P/Maj Allan Espina para mapiga ang katotohanan sa pag-atake sa kanyang komunidad sa hit primetime series ng ABS-CBN na “Blood vs Duty.”

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa industriya na nagsimula sa loob ng “Pinoy Big Brother” house taong 2006, ginagampanan ni Gerald ngayon ang mabigat na dual role bilang Allan, isang special liaison officer ng Muslim Affairs, at Jalil, ang matapang na protektor ng kanyang komunidad. Haharapin niya si Richard Gutierrez (Marcus), ang agent na namuno sa naging pag-atake at pagdukot sa kanyang ama na si Datu Rahman (Jaime Fabregas).

Inanunsyo na rin ng JRB Creative Production, ang unit ng ABS-CBN na nasa likod ng programa, ang bagong cast members na aabangan sa Kapamilya action-drama series. Mapapanood dito sina Yves Flores, Marc Abaya, at Joem Bascon na bubuo sa Metal 13; at sina River Joseph, L.A. Santos, Albie Casino, at Lou Yanong kasama si Ejay Falcon na magiging miyembro ng bagong Task Force Alpha.

Napapanood na rin ang Alamat ng Aksyon na si Sen. Robin Padilla sa programa bilang si Ahmad Mustapha, na siyang susi sa pagpasok ni Allan (Gerald) sa gobyerno.

Maging matagumpay kaya si Allan sa pagpapalabas ng katotohanan o mapipigilan siya ni Lara (Bela Padilla) na pagdududahan ang pagpasok niya sa dibisyon?

Huwag palampasin ang mainit na aksyon sa “Blood vs Duty”, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8pm. Ipinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Para mapanood ang “Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

Samantala, maghaharap sina Gerald at kapwa “Blood vs Duty” actor na si Baron Geisler sa hostless talk show na “Stars on Stars” para sa masayang kwentuhan tungkol sa kanilang karanasan sa serye at buhay showbiz. Abangan ang bagong episode ng “Stars on Stars” sa Jeepney TV Facebook page at YouTube channel ngayong Sabado (May 9), 7PM.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE