Bela, determinadong makuha ang hustisya para sa magulang
Mas umiigting ang aksyon at tensyon sa Blood vs Duty habang unti-unting nabubunyag nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson ang katotohanan sa likod ng pagpapakalat ng ilegal na armas sa bansa.
Tuluyan nang natuklasan ni Marcus (Richard) ang sabwatan ng ilang awtoridad at kriminal na grupo sa operasyon ng smuggling sa kanyang pag-iimbestiga sa Isla Damai. Samantala, ipinagpapatuloy naman ni Jalil (Gerald) ang kanyang pagpapanggap bilang pulis upang mas mapalalim ang imbestigasyon pagkatapos niyang mapagtagumpayang iligtas ang kanyang adoptive father na si Datu Rahman (Jaime Fabregas).
Dala ng matinding galit at hangaring makamit ang hustisya para sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, nakipagtulungan si Lara (Bela Padilla) kay Felix (Baron Geisler) upang mabawi si Datu Rahman mula kay Jalil.
Sa gitna ng lumalalang panganib, patuloy kayang paghihiwalayin ng tadhana sila Marcus at Jalil ng kanilang tungkulin at magkaibang paniniwala o matuklasan na kaya nila na parehas ang kalabang kinakaharap nila kaugnay sa planong destabilisasyon laban sa gobyerno?
Huwag palampasin ang “Blood vs Duty” mula Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Para mapanood ang “”Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.




