
Kabayan at Karen, kinilala!
Patuloy na kinikilala ang mga mamamahayag ng ABS-CBN News matapos parangalan ang ilan sa mga ito sa Pagdasig Awards 2026 ng Leyte Normal University.
Kinilala ang mga tagapagbalita ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM Telerado—wagi si Kabayan Noli de Castro bilang Best Radio News Anchor – Male habang tinanggap naman ni Niña Corpuz ang Best Radio News Anchor – Female na pagkilala para sa kanyang programa “Nagseserbisyo, Niña Corpuz.”
Pinarangalan din ang mga batikang mamamahayag na sina Karen Davila at Jeff Canoy bilang Best TV News Anchor – Female at Best TV Reporter – Male.
Samantala, kinilala rin ang husay ng ABS-CBN News sa digital platform matapos magwagi nina David Dizon at Andrea Taguines bilang Best Online News Writer.
Ang Pagdasig Awards 2026, na inorganisa ng Leyte Normal University (LNU) at Asian Development Foundation College (ADFC), ay kumikilala sa mga huwaran sa industriya ng midya.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
